Ang JuanLife ba ay life insurance?
Ang JuanLife ay HINDI life insurance. Ito ay PERSONAL ACCIDENT insurance.
Ano ang pagkakaiba ng Personal Accident insurance at Life insurance?
Non-Life Insurance (JuanLife) |
Life Insurance |
Accidental death |
Natural death |
Pwedeng ma-enjoy ng insured ang benefits (para sa permanent or total disability and dismemberment) habang nabubuhay. |
Makukuha lamang ang benepisyo (death benefit) kapag ang insured ay namayapa na. Ang pamilya o beneficiaries ng insured ang makikinabang. |
Medical reimbursement – may aasahang tulong pang-medical. |
Hindi kasama sa policy ang tulong pang-medical. Maaaring i-request na isama sa policy pero may dagdag na bayad para sa dreaded diseases at personal accident insurance. |
Abot kaya. Sa JuanLife, ito ay nagkakahalaga lang ng P300 o P500 kada taon. |
Ang life insurance ay nagkakahalaga ng estimated na P25,000 – pataas kada taon. Ang halaga ay depended sa coverage, edad, etc. |
Yearly renewal. Walang mahabang kontrata. |
May kontrata, limang taon o higit pa. |
Ilang JuanLife insurance ba ang pwede kong bilhin para sa sarili ko?
Pwede kang kumuha ng multiple JuanLife Personal Accident Insurance policies amounting to a maximum total combined coverage of P1,000,000 every year.
Pwede bang combination ng JuanLife 300 at JuanLife 500 ang bibilhin ko?
Pwede, kung ano ang swak sa budget mo.
Kulang ang budget ko. Pwede bang unti-unti akong bibili ng JuanLife insurance gaya ng isang insurance kasa sweldo?
Pwede basta hanggang tatlo lang ang insurance para sa sarili mo.
Ano ang ibig sabihin ng “maximum of” sa Permanent Disablement and Medical Reimbursement na coverage?
Ang ibig sabihin ng “maximum of” ay yun ang pinakamataas na halaga na pwedeng ma-claim sa ganitong klase ng coverage. Ang benefit para sa Permanent Disablement ay nagdedepende sa klase ng injury. Ang benefit naman para sa Medical Reimbursement ay gastusin sa ospital na nakabase sa mga resibo and hospital bill na isusubmit ng insured. Pakibasa ang Terms at Conditions and ang Inclusion and Exclusion table para sa mga detalye. Mababasa ito sa JuanLife brochure, flyers at website (www.juanlife.com.ph)
Kung tatlo ang JuanLife insurance na binili ko para sa sarili ko, ibig bang sabihin ay halaga din ng tatlong “Medical Reimbursement” o “Permanent Disablement” benefit ang pwede kong matanggap.
Tama. Ngunit ang halaga ay magdedepende sa Terms and Conditions, sa Inclusion and Exclusion table, at sa actual na mga resibo na maisusubmit ng insured.
Insured na ba ako kapag bumili ng JuanLife scratch card or sa website?
Hindi pa. Kailangan munang i-activate mo ang iyong JuanLife sa pamamagitan ng SMS or text. Pwede din sa aming website. Kapag na-activate ka na, registered ka na sa aming system at siguradong insured na.
Hindi po smartphone ang telepono ko. Kailangan ko ba ng internet para ma- activate ang insurance ko?
Hindi kailangan ng internet para ma-activate ang JuanLife mo. SMS or text messaging lang ang kailangan para sa insurance activation ng JuanLife.
Smartphone ang telepono ko. Paano ba mapapadali ang pag-activate ng JuanLife ko gamit ang smartphone?
Kung smartphone ang gamit mo at may internet connection ka, may tatlong paraan para mas mapadali ang JuanLife activation mo. Una, pwede kang pumunta sa aming website, www.juanlife.com.ph at i-click ang “activate”. Or kung may QR Code Reader app ka, just scan yung QR Code sa likod ng scratch card mo at mapupunta ka na sa activation page ng aming website. Pwede ka din mag activate via Facebook Messenger just by searching for the account JuanLife Activation.
May pagkakaiba ba ang JuanLife scratch card or yung nabibili sa website?
Walang pagkakaiba sa presyo or sa coverage ang JuanLife scratch card or e-card. Gumawa kami ng dalawang type ng JuanLife para mas convenient ito sa tao, depende saan sila kumportable.
Hanggang 60 years old lang ba ang pwedeng ma-insure sa JuanLife?
Hanggang 60 years lang ang pwedeng ma-insure ng JuanLife sa unang registration. Ngunit, pwedeng ma-extend ang insurance hanggang 65 years old sa mga nagpa-insure na 60 year olds. Pwedeng mag-renew ng insurance taon-taon ang mga insured.
Ilang taon ba ang validity ng JuanLife?
Covered ka sa isang taon sa JuanLife. Halimbawa, kapag ito ay in-activate mo ng November 30, 2019, ang coverage mo ay magtatapos sa November 29, 2020.
Kung bumili ako ng JuanLife sa November 30, 2019 pero in-activate ko noong December 10, 2019, kelan magsisimula ang bilang ng isang taong coverage?
Magsisimula ang bilang sa date of activation, December 10, 2019.
Kung bumili ako ng JuanLife sa November 30, 2019 pero nakalimutan kong i-activate, maaari ba itong mag-expire?
Walang expiry ang JuanLife hangga’t hindi ito activated.
Paano kung bumili ako ng JuanLife at iregister ko ang anak kong 3 years old?
Ang insured sa JuanLife ay 7 to 60 years old lamang. Hindi tatanggapin ng system namin ang 3-year olds.
Paano kung bumili ako ng JuanLife at iregister ko ang magulang kong edad 61 na?
Ang insured sa JuanLife ay 7 to 60 years old lamang. Hindi tatanggapin ng system namin ang may edad na 61 years old o higit pa.
Kung na-scratch ko na ang PIN No. ng JuanLife card pero ayaw tanggapin ng system ang 3 years old or 61 years old, hindi na po bang pwedeng gamitin yung card?
Pwede pa. Hanggat hindi pa naa-activate sa system ang JuanLife card, ito ay maaari pang gamitin. Pwede mong i-insure ang iba mo pang kapamilya o kamag-anak, basta valid sila sa age requirement.
Pagkatapos kong ma-activate, paano ko matatanggap ang aking policy?
Makakatanggap ka ng email kung saan pwede mong ma-view at download ang iyong confirmation of insurance kasama ang policy coverage at terms and conditions. Naka-save din ang mga dokumentong ito sa iyong member dashboard sa aming website.
Ano ba ang ibig sabihin ng “beneficiary”?
Ang beneficiary ay ang taong tatanggap ng claim benefit in case may mangyaring aksidente sa ‘yo.
Kailangan ko ba talagang mag-register ng beneficiary?
Yes. Kailangan ikaw na insured ang mag-nominate ng beneficiary mo.
Sino ba dapat ang i-register kong beneficiary?
Kung ikaw ay kasal, ang maaaring beneficiary mo ay ang iyong LEGAL na asawa at mga anak. Kung ikaw naman ay single, pwede mong i-register ang iyong mga magulang or mga kapatid. Kailangan ang closest legal relative ang beneficiary.
Hiwalay po ako sa aking legal na asawa at may matagal nang kinakasama. Pwede ko ba siyang i-register na beneficiary?
Hindi po. Legal na asawa lang ang maaaring i-register. Pwede naman ang mga anak ang gawing beneficiary.
Ilan po ba ng pwedeng gawing beneficiary?
Pwede kang mag-register ng dalawang beneficiary sa bawat policy.
Kung tatlo ang aking JuanLife insurance, kailangan bang parehong beneficiary ang i-register ko sa lahat?
Hindi kailangan. Pwede kang mag-register ng iba-ibang beneficiary kada insurance. Just make sure na ito ay legal beneficiaries na nabanggit.
Pwede ko bang palitan ang aking beneficiaries?
Pwede. Maaari mong i-edit ang iyong beneficiary sa iyong member account sa aming website.
Ilang beses ba akong pwede magclaim ng Medical Reimbursement?
Isang beses lamang pwedeng mag-claim ng medical reimbursement sa loob ng isang taon sa bawat JuanLife insurance policy.
Kapag nag-claim ng Medical Reimbursement, hindi na ba valid ang JuanLife policy?
Valid pa rin ang iyong insurance kahit nagamit mo na ang Medical Reimbursement benefit. Kung sa loob ng isang taon ay nakaranas ka ulit ng aksidente, pwede pa ring mag-claim ng Accidental Death benefit o Permanent Disablement benefit. Ang total na halaga na pwedeng i-claim sa isang taon ay yung halaga ng Accidental Death coverage. Ibig sabihin, kung may na-claim ka nang P7,500 na Medical Reimbursement benefit para sa JuanLife 300 na may coverage na P150,000, ang pinaka-maximum na halaga na pwede mong ma-claim ay P142,500 na lamang.
Kung ang insured ay nakapag-claim na para sa Permanent Disablement at namatay pagkatapos, maaari pa bang mag-claim ang beneficiary niya ng Accidental Death benefit?
Hindi. Isang beses lang dapat magclaim para sa accidental death o permanent disablement.
Kung ang validity period ng insurance ay from January 1, 2019 hanggang December 31, 2019 at naaksidente ako ang insured ng December 28 at namatay ng January 15, 2020 (lampas na sa coverage period), pwede pa bang magclaim ng accidental death benefit?
Yes, pwede magclaim kung ang aksidente ay nangyari within the coverage period at ang pagkamatay ay nangyari within 180 days after the accident, and if ang cause of death was the accident.
OFW po ako. Pwede po ba akong bumili ng JuanLife para sa sarili ko?
Pwede. Ang JuanLife ay nagsisilbi sa Filipino citizens at sakop sa coverage ang mga aksidente na nangyari sa ibang bansa.
Ano po ang halaga ng claim benefits kapag ang aksidente ay nangyari sa ibang bansa.
Pareho lamang ang halaga mg insurance coverage, kahit saang bansa mangyari ang aksidente.
Meron na po akong OFW insurance. Maaari pa rin ba akong magpa-insure sa JuanLife?
Yes, pwedeng-pwede. Mas mainam ang maraming insurance para mas maraming tulong din ang aasahan sa oras ng pangangailangan.
Ano po ba ang ibig sabihin ng hazardous occupation?
Ito ang mga mapanganib na trabaho:
-
- All military and police personnel and officers
- Barangay officials/tanod
- Professional entertainers & athletes
- Duties involving heavy manual work
- Acrobats, asylum, attendants, automobile racing drivers, aviator, boilerman, butchers, caddies, carpenters, construction workers, customs personnel, detectives, divers, electricians, explosive
Maaari bang kumuha ng JuanLife ang mga taong may hazardous occupation or mapanganib na trabaho?
Ang JuanLife ay espesyal na personal accident insurance dahil kasama sa pwedeng bumili ng insurance ay ang mga taong mapanganib ang trabaho. Ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mas nakararaming Pilipino na ma-secure ang buhay nila. Subalit, dahil likas na mapanganib ang kanilang trabaho, may dalawang paraan para ma-insure ang mga taong may hazardous na trabaho:
Una, kapag ang aksidente ay nangyari sa lugar ng trabaho o habang ang insured ay ginagawa ang kanyang mapanganib na trabaho, ang accidental death benefit ay 10% na halaga ng coverage or P15,000 para sa JuanLife 300 o P25,000 para sa JuanLife 500.
Pangalawa, kung ang aksidente ay nangyari sa labas ng trabaho, ang insured ay makakatanggap ng maximum na accidental death coverage: P150,000 para sa JuanLife 300 at P250,000 para sa JuanLife 500.
Sakop ba ng JuanLife ang aksidente dahil sa pagmomotorsiklo?
Kasama sa JuanLife coverage ang aksidente sa pagmomotorsiklo, maliban na lang kung ito ay nangyari habang nagmo-motorcycle racing.
Anu-ano po bang klase ng aksidente ang sakop ng JuanLife?
Kasama ang accidental death at injuries dulot ng natural disasters (baha, bagyo, lindol, etc.), motorcycling at iba bang aksidente na wala sa aming list of exclusions. Maaaring basahin ang Inclusions at Exclusions table sa Benefits Page (https://juanlife.com.ph/benefits/) ng aming website para sa detalye.
Anu-ano po bang klase ng death or injury na hindi sakop ng JuanLife?
Hindi sakop ang accidental death at injuries na dulot ng giyera, suicide or attempted suicide, murder assault at pagkamatay dahil sa kalasingan or droga. Kasama din ang pagkamatay habang sakay ng di rehistradong eroplano, mga delikadong activities or kung may mga pre-existing medical condition. Maaaring basahin ang Inclusions at Exclusions table sa Benefits Page (https://juanlife.com.ph/benefits/) ng aming website para sa detalye.
Paano kung yung insured ay naaksidente habang gumagawa ng krimen?
Hindi po covered ang accident kapag ito ay nangyari habang ang insured ay gumagawa ng krimen dahil ito ay labag sa batas.
Kung hindi delikado ang trabaho ng insured pero may pinagawa sa kanyang delikado, covered pa ba sya ng 100% kung may aksidente habang ginagawa ang delikadong task?
100% pa rin yan. Kasi yung frequency of the risk is not present naman
Pwede ba makakuha ng JuanLife ang OFW?
Yes! Lahat ng Pinoy, kahit saan parte ng mundo, ay pwedeng i-cover ng JuanLife. Pwedeng bumili sa aming website, shop.juanlife.com.ph or mag-message sa amin sa Facebook at i-a-assist namin kayo.
May OFW Insurance na ako. Kailangan ko pa ba ng JuanLife?
Yes, mas mainam na may dagdag kang insurance para kapag panahon ng pangangailangan, mas marami kang aasahang tulong pinansiyal.
Pano kung ang insured ay merong JuanLife P300, at nagamit niya ang medical reimbursement na P7500. Kaso namatay pa rin sya dahil sa nangyaring aksidente.Ibabawas ba ang P7500 sa P150,000 coverage?
Pag namatay sya dahil sa parehong nangyari aksidente, or kahit ano’ng aksidente pa sa loob ng coverage period, ibabawas ang P7500 mula sa P150,000, at makukuha niya ang remaining amount.
Ang mga trabaho ba sa mga events (such as concerts, festivals) pwede sa JuanLife? Ex. Performers/talents, hosts, events crew/staff (lightmen, audiomen, cameramen, floor director, stage managers, bouncers, and organizers)
Lahat yan ay covered ng JuanLife. Kasama sa hazardous jobs ang entertainer at bouncer kaya covered sila. However, ang mga lightmen, audiomen, cameramen, stage manager ay hindi considered as hazardous.
Kasama ba sa delikadong trabaho ang admin staff at janitors?
Hindi. Ibig sabihin, makakatanggap po sila ng 100% coverage kapag sila ay na-aksidente.
Kapag ang mga nagtratrabahao sa sabungan (i.e.kristo) ay dun nadisgarasya (i.e. nasugatan ng tari ng manok) covered ba yun ng JuanLife?
Covered po sila
Kapag hindi delikado ang trabaho at sila'y nasaktan habang nasa trabaho, ang coverage ba ay 100% o 10%
100% coverage po aasahan ng mga taong di hazardous ang trabaho.
Merong bang sport na hindi kasama sa coverage?
Nasa listahan po ng exclusions ang sports na hindi covered gaya ng racing of all kinds, mountaineering, football, polo, hockey, winter sports, or yachting.
Pwede ba ang Liga ng basketball?
Yes, basta ang player ay hindi naglalaro professionally.
Ang bouncer ba ay kabilang sa delikadong trabaho?
Yes, covered po ang bouncers sa hazardous occupations.
Covered ba ang nasugatan dahil sa kagat ng hayop?
Yes, covered ang animal bites sa JuanLife.
Covered ba ang sakuna dahil sa sunog?
Hindi po covered ang fire accidents.
May insurers ba ang JuanLife?
Heto ang reinsurers ng Stronghold, ang aming partner na insurance company.
– Hannover Re (Malaysia)
– Mapfre Re (Singapore)
– Labuan Re (Labuan) Pte.
– General Insurance Corp. of India (Labuan)
– National Reinsurance Corp. of the Phils.
– Canopius Asia Pte. Ltd. (Singapore)
Bakit mahalaga na may reinsurers ang isang insurance company?
Ang reinsurers ay mga kompanya na katuwang ng insurance company sa pamimigay ng claims fund kapag may malaking sakuna kagaya ng nangyari sa Ondoy at Yolanda.
Ano nga ba ang Custodians and Handlers na kasama sa Hazardous Occupation list?
Sila yung humahawak ng explosive materials.
Pwede ba ma-insure ang taong may isang artificial eye at hindi naman siya totally blind?
Covered po ang taong may isang functioning na mata. Ang mga taong may total blindess lamang ang di covered.
Covered ba ang injuries na dulot ng aksidente sa pagsakay sa habal-habal?
Yes, 100% covered po ang mga drivers or pasahero ng mga habal-habal or ride-sharing services like Angkas, Joyride, etc.
Pwede bang ipadala ang claim sa distributor at sila ang magpapasa sa Agile?
Yes, handa pong mag-assist sa pag-file ng claim ang aming Distributors or mga Kakampi.
What if naaksidente ang insured habang nakasakay sa motorsiklo at walang syang suot na helmet?
Hindi po covered ang aksidente kapag hindi naka-helmet ang motorcycle rider. Mandatory po ang pagsusuot ng helmet para sa driver at pasahero ng mga motorsiklo.
Covered po ba ang severe burns dulot ng aksidente sa kusina?
Yes, covered po ang severe burns dulot ng aksidente sa pagluluto.
Covered ba kapag naaksidente ang insured habang nakasakay sa tricycle na nasa highway since bawal sila doon?
Hindi po covered ang aksidente kapag ito ay nangyari habang nakasakay sa tricycle na dumadaan sa highway kung san sila bawal bumiyahe. Meron mga considerations such as walang ibang access roads sa lugar or nanatili sa shoulders ang tricycle
Kapag namatay ang mga beneficiaries sa aksidente kasabay ng insured, sino pa ang pwedeng maging beneficiary?
Ang pinakamalapit na kadugo ang pwedeng beneficiary
Kung may artificial legs at arms ang isang tao, pwede ba silang pa-insure?
Hindi, dahil hindi covered ng JuanLife ang mga taong may physical disability
Kung may polio ang isang tao, pwede ba silang ma-insure?
Hindi, dahil hindi covered ang mga taong may physical disability
Kapag ang Angkas rider or TNV (Transport Network Vehicle) driver ay walang lisensya at naaksidente, covered ba ang kanyang pasahero na may JuanLife insurance?
Covered ang pasahero na may JuanLife insurance
Kailangan ba ang Visa o Certificate of Employment kapag nangyari ang aksidente sa ibang bansa, kagaya nang pag-ikaw ay OFW?
None. Di naman kailangan kapag working abroad, kasi maaari rin nagtutour ang insured.
Pwede bang ma-insure ang may Dual Citizenship?
Pwede silang ma-insure sa JuanLife
Kung napadaan lang ang insured at may biglang may nag-amok, covered ba ang insured bilang victim?
Oo, covered sila sa JuanLife
Kapag ang insured ay tinamaan ng ligaw na bala, covered ba ito?
Oo, covered sila sa JuanLife
Kung ang insured ay naging Covid-19 positive, pwede ba siyang magfile ng claim?
Bilang personal accident insurance, hindi covered ng JuanLife ang mga sakit gaya ng Covid-19