FAQs
Ang JuanLife ay HINDI life insurance. Ito ay PERSONAL ACCIDENT insurance.
Non-Life Insurance (JuanLife) | Life Insurance |
Accidental death | Natural death |
Pwedeng ma-enjoy ng insured ang benefits (para sa permanent or total disability and dismemberment) habang nabubuhay. | Makukuha lamang ang benepisyo (death benefit) kapag ang insured ay namayapa na. Ang pamilya o beneficiaries ng insured ang makikinabang. |
Medical reimbursement – may aasahang tulong pang-medical. | Hindi kasama sa policy ang tulong pang-medical. Maaaring i-request na isama sa policy pero may dagdag na bayad para sa dreaded diseases at personal accident insurance. |
Abot kaya. Sa JuanLife, ito ay nagkakahalaga lang ng P300 o P500 kada taon. | Ang life insurance ay nagkakahalaga ng estimated na P25,000 – pataas kada taon. Ang halaga ay depended sa coverage, edad, etc. |
Yearly renewal. Walang mahabang kontrata. | May kontrata, limang taon o higit pa. |
Pwede kang kumuha ng multiple JuanLife Personal Accident Insurance policies amounting to a maximum total combined coverage of P1,000,000 every year.
Pwede, kung ano ang swak sa budget mo.
Pwede basta hanggang tatlo lang ang insurance para sa sarili mo.
Ang ibig sabihin ng “maximum of” ay yun ang pinakamataas na halaga na pwedeng ma-claim sa ganitong klase ng coverage. Ang benefit para sa Permanent Disablement ay nagdedepende sa klase ng injury. Ang benefit naman para sa Medical Reimbursement ay gastusin sa ospital na nakabase sa mga resibo and hospital bill na isusubmit ng insured. Pakibasa ang Terms at Conditions and ang Inclusion and Exclusion table para sa mga detalye. Mababasa ito sa JuanLife brochure, flyers at website (www.juanlife.com.ph)
Tama. Ngunit ang halaga ay magdedepende sa Terms and Conditions, sa Inclusion and Exclusion table, at sa actual na mga resibo na maisusubmit ng insured.
Hindi pa. Kailangan munang i-activate mo ang iyong JuanLife sa pamamagitan ng SMS or text. Pwede din sa aming website. Kapag na-activate ka na, registered ka na sa aming system at siguradong insured na.
Hindi kailangan ng internet para ma-activate ang JuanLife mo. SMS or text messaging lang ang kailangan para sa insurance activation ng JuanLife.
Kung smartphone ang gamit mo at may internet connection ka, may tatlong paraan para mas mapadali ang JuanLife activation mo. Una, pwede kang pumunta sa aming website, www.juanlife.com.ph at i-click ang “activate”. Or kung may QR Code Reader app ka, just scan yung QR Code sa likod ng scratch card mo at mapupunta ka na sa activation page ng aming website. Pwede ka din mag activate via Facebook Messenger just by searching for the account JuanLife Activation.
Walang pagkakaiba sa presyo or sa coverage ang JuanLife scratch card or e-card. Gumawa kami ng dalawang type ng JuanLife para mas convenient ito sa tao, depende saan sila kumportable.
Hanggang 60 years lang ang pwedeng ma-insure ng JuanLife sa unang registration. Ngunit, pwedeng ma-extend ang insurance hanggang 65 years old sa mga nagpa-insure na 60 year olds. Pwedeng mag-renew ng insurance taon-taon ang mga insured.
Covered ka sa isang taon sa JuanLife. Halimbawa, kapag ito ay in-activate mo ng November 30, 2019, ang coverage mo ay magtatapos sa November 29, 2020.
Magsisimula ang bilang sa date of activation, December 10, 2019.
Walang expiry ang JuanLife hangga’t hindi ito activated.
Ang insured sa JuanLife ay 7 to 60 years old lamang. Hindi tatanggapin ng system namin ang 3-year olds.
Ang insured sa JuanLife ay 7 to 60 years old lamang. Hindi tatanggapin ng system namin ang may edad na 61 years old o higit pa.
Pwede pa. Hanggat hindi pa naa-activate sa system ang JuanLife card, ito ay maaari pang gamitin. Pwede mong i-insure ang iba mo pang kapamilya o kamag-anak, basta valid sila sa age requirement.
Makakatanggap ka ng email kung saan pwede mong ma-view at download ang iyong confirmation of insurance kasama ang policy coverage at terms and conditions. Naka-save din ang mga dokumentong ito sa iyong member dashboard sa aming website.
Ang beneficiary ay ang taong tatanggap ng claim benefit in case may mangyaring aksidente sa ‘yo.
Yes. Kailangan ikaw na insured ang mag-nominate ng beneficiary mo.
Kung ikaw ay kasal, ang maaaring beneficiary mo ay ang iyong LEGAL na asawa at mga anak. Kung ikaw naman ay single, pwede mong i-register ang iyong mga magulang or mga kapatid. Kailangan ang closest legal relative ang beneficiary.
Hindi po. Legal na asawa lang ang maaaring i-register. Pwede naman ang mga anak ang gawing beneficiary.
Pwede kang mag-register ng dalawang beneficiary sa bawat policy.
Hindi kailangan. Pwede kang mag-register ng iba-ibang beneficiary kada insurance. Just make sure na ito ay legal beneficiaries na nabanggit.
Pwede. Maaari mong i-edit ang iyong beneficiary sa iyong member account sa aming website.
Isang beses lamang pwedeng mag-claim ng medical reimbursement sa loob ng isang taon sa bawat JuanLife insurance policy.
Valid pa rin ang iyong insurance kahit nagamit mo na ang Medical Reimbursement benefit. Kung sa loob ng isang taon ay nakaranas ka ulit ng aksidente, pwede pa ring mag-claim ng Accidental Death benefit o Permanent Disablement benefit. Ang total na halaga na pwedeng i-claim sa isang taon ay yung halaga ng Accidental Death coverage. Ibig sabihin, kung may na-claim ka nang P7,500 na Medical Reimbursement benefit para sa JuanLife 300 na may coverage na P150,000, ang pinaka-maximum na halaga na pwede mong ma-claim ay P142,500 na lamang.
Hindi. Isang beses lang dapat magclaim para sa accidental death o permanent disablement.
Yes, pwede magclaim kung ang aksidente ay nangyari within the coverage period at ang pagkamatay ay nangyari within 180 days after the accident, and if ang cause of death was the accident.
Pwede. Ang JuanLife ay nagsisilbi sa Filipino citizens at sakop sa coverage ang mga aksidente na nangyari sa ibang bansa.
Pareho lamang ang halaga ng insurance coverage, kahit saang bansa mangyari ang aksidente.
Yes, pwedeng-pwede. Mas mainam ang maraming insurance para mas maraming tulong din ang aasahan sa oras ng pangangailangan.
Ito ang mga mapanganib na trabaho:
- All military and police personnel and officers
- Barangay officials/tanod
- Professional entertainers & athletes
- Duties involving heavy manual work
- Acrobats, asylum, attendants, automobile racing drivers, aviator, boilerman, butchers, caddies, carpenters, construction workers, customs personnel, detectives, divers, electricians, explosive
Ang JuanLife ay espesyal na personal accident insurance dahil kasama sa pwedeng bumili ng insurance ay ang mga taong mapanganib ang trabaho. Ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mas nakararaming Pilipino na ma-secure ang buhay nila. Subalit, dahil likas na mapanganib ang kanilang trabaho, may dalawang paraan para ma-insure ang mga taong may hazardous na trabaho:
Una, kapag ang aksidente ay nangyari sa lugar ng trabaho o habang ang insured ay ginagawa ang kanyang mapanganib na trabaho, ang accidental death benefit ay 10% na halaga ng coverage or P15,000 para sa JuanLife 300 o P25,000 para sa JuanLife 500.
Pangalawa, kung ang aksidente ay nangyari sa labas ng trabaho, ang insured ay makakatanggap ng maximum na accidental death coverage: P150,000 para sa JuanLife 300 at P250,000 para sa JuanLife 500.
Kasama sa JuanLife coverage ang aksidente sa pagmomotorsiklo, maliban na lang kung ito ay nangyari habang nagmo-motorcycle racing.
Kasama ang accidental death at injuries dulot ng natural disasters (baha, bagyo, lindol, etc.), motorcycling at iba bang aksidente na wala sa aming list of exclusions. Maaaring basahin ang Inclusions at Exclusions table sa Benefits Page (http://glittering-paintbrush.localsite.io/benefits/) ng aming website para sa detalye.
Hindi sakop ang accidental death at injuries na dulot ng giyera, suicide or attempted suicide, murder assault at pagkamatay dahil sa kalasingan or droga. Kasama din ang pagkamatay habang sakay ng di rehistradong eroplano, mga delikadong activities or kung may mga pre-existing medical condition. Maaaring basahin ang Inclusions at Exclusions table sa Benefits Page (http://glittering-paintbrush.localsite.io/benefits/) ng aming website para sa detalye.
Hindi po covered ang accident kapag ito ay nangyari habang ang insured ay gumagawa ng krimen dahil ito ay labag sa batas.
100% pa rin yan. Kasi yung frequency of the risk is not present naman
Yes! Lahat ng Pinoy, kahit saan parte ng mundo, ay pwedeng i-cover ng JuanLife. Pwedeng bumili sa aming website, shop.juanlife.com.ph or mag-message sa amin sa Facebook at i-a-assist namin kayo.
Yes, mas mainam na may dagdag kang insurance para kapag panahon ng pangangailangan, mas marami kang aasahang tulong pinansiyal.
Pag namatay sya dahil sa parehong nangyari aksidente, or kahit ano’ng aksidente pa sa loob ng coverage period, ibabawas ang P7500 mula sa P150,000, at makukuha niya ang remaining amount.
Lahat yan ay covered ng JuanLife. Kasama sa hazardous jobs ang entertainer at bouncer kaya covered sila. However, ang mga lightmen, audiomen, cameramen, stage manager ay hindi considered as hazardous.
Hindi. Ibig sabihin, makakatanggap po sila ng 100% coverage kapag sila ay na-aksidente.
Covered po sila
100% coverage po aasahan ng mga taong di hazardous ang trabaho.
Nasa listahan po ng exclusions ang sports na hindi covered gaya ng racing of all kinds, mountaineering, football, polo, hockey, winter sports, or yachting.
Yes, basta ang player ay hindi naglalaro professionally.
Yes, covered po ang bouncers sa hazardous occupations.
Yes, covered ang animal bites sa JuanLife.
Hindi po covered ang fire accidents.
Heto ang reinsurers ng Stronghold, ang aming partner na insurance company.
- Hannover Re (Malaysia)
- Mapfre Re (Singapore)
- Labuan Re (Labuan) Pte.
- General Insurance Corp. of India (Labuan)
- National Reinsurance Corp. of the Phils.
- Canopius Asia Pte. Ltd. (Singapore)
Ang reinsurers ay mga kompanya na katuwang ng insurance company sa pamimigay ng claims fund kapag may malaking sakuna kagaya ng nangyari sa Ondoy at Yolanda.
Sila yung humahawak ng explosive materials.
Covered po ang taong may isang functioning na mata. Ang mga taong may total blindess lamang ang di covered.
Yes, 100% covered po ang mga drivers or pasahero ng mga habal-habal or ride-sharing services like Angkas, Joyride, etc.
Yes, handa pong mag-assist sa pag-file ng claim ang aming Distributors or mga Kakampi.
Hindi po covered ang aksidente kapag hindi naka-helmet ang motorcycle rider. Mandatory po ang pagsusuot ng helmet para sa driver at pasahero ng mga motorsiklo.
Yes, covered po ang severe burns dulot ng aksidente sa pagluluto.
Hindi po covered ang aksidente kapag ito ay nangyari habang nakasakay sa tricycle na dumadaan sa highway kung san sila bawal bumiyahe. Meron mga considerations such as walang ibang access roads sa lugar or nanatili sa shoulders ang tricycle
Ang pinakamalapit na kadugo ang pwedeng beneficiary
Hindi, dahil hindi covered ng JuanLife ang mga taong may physical disability
Hindi, dahil hindi covered ang mga taong may physical disability
Covered ang pasahero na may JuanLife insurance
None. Di naman kailangan kapag working abroad, kasi maaari rin nagtutour ang insured.
Pwede silang ma-insure sa JuanLife
Oo, covered sila sa JuanLife
Oo, covered sila sa JuanLife
Bilang personal accident insurance, hindi covered ng JuanLife ang mga sakit gaya ng Covid-19