Adulting Now: Essential Tips You Should Know About In Your 20’s

If there’s one thing being in your 20’s is known for, ito ang simula when we officially become adults. As adulting settles in, unti-unting pumapasok ang mga challenges at adjustments na kailangan natin harapin. If isa ka sa mga taong baguhan sa adulting, we’ve listed some tips na makakatulong as you adjust sa next chapter ng buhay mo:

 Alagaan ang iyong sarili palagi

At some point in life, we felt a certain pressure na kailangan maganda ang trabaho na papasukan mo, na dapat may “monumental” kang ma-achieve as soon as you step out of college. While we push ourselves hard to attain these things, nakakalimutan na natin alagaan ang ating sarili. We need to look after our health sa pamamagitan ng pag-exercise regularly at pag consume ng healthier food choices. Importante rin na alagaan ang ating mental health by taking the time to unplug at mag meditate sa ating paboritong space.

Magtakda ng budget at siguraduhin na sundin ito

Aminin man natin o hindi, common ang “You Only Live Once” o YOLO attitude sa mga taong nasa 20’s nila. As soon as pumasok ang ating sweldo, tumataas ang need natin to purchase – sumubok ng bagong restaurant, panoorin ang bagong labas na sine, bilhin ang latest fashion, magbook ng flight, at marami pang iba. Minsan, hindi na rin practical ang ating paggastos at nakakalimutan na natin magtabi para sa ating future. That’s why napaka importante pagkakaroon ng monthly budget. When we set a budget para sa sarili natin, it helps us sort kung alin ang needs natin mula sa wants nang maiwasan ang overspending.

Maging lifelong learner

Maniwala ka ‘pag sinasabi ng iba na ‘di nagtatapos ang edukasyon ng isang tao pagka-graduate niya sa paaralan. Pwede mo ipagpatuloy ang iyong pag-aaral by taking up a short course about a new skill na gusto mo matutunan for the longest time. Marami rin sa internet na materials na makakatulong para ma-enrich ang iyong isipan tulad ng e-books, how-to videos, podcasts, articles at iba pa.

Kumuha ng insurance para sa iyong sarili

Just like bank accounts, ang insurance ay isa sa mga bagay sa buhay na kailangan simulan as early as you can. Think about it – paano ‘pag biglang nangyari ang kinakatakutan mo at naaksidente ka? Dito makakatulong ang pagkakaroon ng personal accident insurance na tulad ng JuanLife.

By having one, maaasahan mo na may makakatulong sayo financially habang nagpapagamot at nagpapagaling ka after a serious accident. Hindi mo na kailangan galawin pa ang natatago mong savings sa bangko dahil for as low as P300, maaari ka na makatanggap ng P150,000 benefit mula sa JuanLife. Napakalaking tulong nito lalo na ‘pag delikado ang trabaho mo at nilalagay ka sa peligro araw-araw.

Magplano para sa iyong retirement

There’s nothing wrong with planning for your retirement as early as now. Ito naman ang end goal natin as working professionals. Gusto natin na maayos ang ating buhay pagkaretiro natin, may sariling bahay at lupa, at sasakyan. Nakakapag-aral ang ating mga anak para one day, maging successful rin sila in life tulad mo.

Plus, kung pag-iisipan natin, hindi maiiwasan ang ating pagtanda. Kaya habang bata pa tayo at malakas, simulan na natin ang pagpaplano para sa ating future. You can dedicate about 10-15% ng iyong monthly net pay para sa iyong retirement fund.

“Adulting” may look overwhelming sa simula, ngunit walang rason para katakutan mo ito. With the right support at guidance, malalagpasan mo ang mga challenges na ‘to and become a better adult yourself. Start by getting your first insurance, visit shop.juanlife.com.ph.

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0939 938 2452

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh