Natatakot ka bang mag-invest sa insurance? May kakilala ka bang na-scam at nawalan ng pera? Sa dami ng naglalabasang scams ngayon, karamihan sa’tin nangangambang isugal ang ating pinaghirapan na kita. Pawis, luha at dugo ang ating puhunan upang ma-diskartehan o maitawid ang pangangailangan ng ating pamilya, kaya understandable na magkaroon ng pag-aalinlangan at ng takot na ma-scam o maloko.
Upang maiwasan maging biktima dito, heto ang ilang hakbang na pwede mong gawin para matukoy kung #legit ang iyong insurance o hindi:
1. Mag-research tungkol sa insurance provider
Thanks to the internet, mas madali na ngayon ang paghahanap ng impormasyon tungkol sa isang insurance provider. Before investing, kailangan mo maging mabusisi at pag-aralan ang background ng provider o ahente, anu-ano ang mga products na ino-offer nila at coverage nito, contact details nila at kung may opisina sila sa bansa. Ang pagkakaroon ng landline number at physical address ay isang senyales na legitimo ang business sila.
2. I-check kung may SEC registration ang insurance provider
Ano nga ba ang Securities and Exchange Commission o SEC? Ito ang government agency na in-charge sa pag-regulate at pag-supervise sa corporate sector sa Pilipinas. Sila rin ang nakatalaga sa pag-formulate ng policies at recommendations sa mga issues ukol sa securities market. When an agency is registered with them, makakasiguro ka na legal ang kanilang pag-conduct ng business activities sa bansa, mula sa pag-trade ng financial assets hanggang sa pag-issue ng resibo.
Maliban dito, abangan rin ang listahan ng Insurance Commission na ina-anunsyo nila kada taon. Kasama sa listahan na ito ang mga insurance companies na sapat ang kanilang capital upang suportahan ang claims ng kanilang kliyente, including Stronghold Insurance Company, Inc. (STRONGHOLD), who is the partner of Agile Insurance Agency and Business Technologies, Inc. (AGILE) sa JuanLife.
3. Siguraduhin na credible source ang pagkukuhanan
Isa sa mga pinakamadaling paraan upang masiguro kung legitimate ang insurance na nabili mo ay sa pamamagitan ng pagbili nito directly mula sa website ng insurance agency o through an authorized dealer or distributor. Maaari mong hingiin ang kanilang dokyumento upang may katibayan na siya ay may authority na makipag-transact sa iyo on behalf of the insurance company.
4. Alamin kung ano ang sinasabi ng iba sa social media
Testimonials are also a good source of information about an insurance agency. Maaari mong i-check ang social media profiles nila at hanapin ang testimonials o reviews galing sa kanilang clients. Maaasahan mo ito dahil galing ito sa perspective ng kanilang clients o mga tao who have actually “tested” ang kanilang products at services. By reading them, magkakaroon ka ng idea kung ano ang maaari mong asahan sa isang sitwasyon o sakuna – gaano kadali at kabilis ang kanilang processing ng claims, gaano ka-efficient ang kanilang customer service, at benefit na matatanggap mo.
Tulad ng pagsasalaysay ni Ellenita Mempin sa experience niya with JuanLife. “Month of February kumuha ako ng insurance sa halagang P500 sa JuanLife. Sa ‘di inaasahan naaksidente ako sa motor noong March 17, 2020. Nagka-fracture ang kanang balikat ko at nasemento. Dahil sa aksidente, hindi ako nakapasok sa trabaho. Si JuanLife Insurance ang sumagip sa mga pangangailangan ko sa check-up at sa mga nagastos ko habang nagpapagaling.” Makikita dito na wala syang hassle na na-experience sa pag-claim at sulit na sulit ang kanyang P500 investment sa JuanLife Personal Accident Insurance.
Mas mabuti nang maging mausisa than be sorry! Kaya kung ang hanap mo ay #legit na insurance na sulit sa benefits at swak sa iyong budget, dito na tayo sa JuanLife. For P300 o P500 lang, maaari ka nang makatanggap ng personal accident insurance para sa’yo o sa iyong mahal sa buhay. Visit juanlife.com.ph for more details.