Kwentong Kakampi: Tips Kung Paano Magsimula ng Distributor Business

Patok na patok sa ating mga Pinoy ang pagnenegosyo. Bukod sa mga tradisyonal na sari-sari store na nakikita natin sa bawat kanto, marami rin ang may sariling online business. Mas madali na kasing magtayo ngayon ng negosyo: kailangan mo lang ng ideya, ng cellphone o computer, ng produkto, at pwede ka nang magpromote sa internet o social media.

Pero sa panahon ngayon, wala pa ring tatalo sa pagpromote sa ibang tao, lalo na sa iyong mga kakilala. Kasi ayon sa isang pag-aaral, mas naniniwala pa rin tayo sa rekomendasyon ng ating mga kaibigan at kamag-anak, kaysa sa mga advertisement na nakikita natin sa TV, billboard, o social media.

Kagaya na lamang ito ng experience ni Red Tapangco, na may sariling freelance business sa insurance, at active ring miyembro sa kanyang alumni association. May nakita siya ritong oportunidad. At dahil diyan, nagpasya siyang magsimula ng bagong business as a JuanLife Distributor. Gusto mo bang maging tulad ni Red? Alamin ang kanyang kwento on how to start your own wholesale Distributor business.

1. Alamin ang mga problemang nararanasan mo, ng iyong mga kakilala, o ng iyong komunidad.

Lahat tayo, naghahanap ng mga solusyon sa ating problema, at dito, makakahanap ka ng mga ideya sa kung anong business ang gusto mong itayo. Sa kaso ni Red, nakita niya ito sa isa niyang kasamahan sa association, na na-aksidente sa motorsiklo noong kaka-lift lang ng lockdown. Wala siyang available na tulong pinansiyal, kaya naisip niyang i-offer ang JuanLife sa kanya.

Sa sitwasyong ito, na-realize rin niyang may potential na matulungan ang mas maraming kapwa-alumni, at pati na rin ang kanilang mga anak.

“Yung mga kasamahan ko, araw-araw umiinom, naninigarilyo. Sabi ko, ipunin lang yun at makakabili sila ng insurance para sa kanilang mag-asawa, tsaka sa mga anak nila.  Kailangan din kunan ng insurance ang mga bata, lalo na’t malilikot. Madaling maaksidente ang mga bata.”

2. Maghanap ng produktong pwede magresolba sa problemang ito.

Pagkatapos, pag-isipan mo nang mabuti kung anong klaseng produkto ang kayang maging solusyon sa problemang ito. Mas madaling maging Distributor kung mura ang produktong gusto mong ibenta, kagaya na lang ni Red na napili ang JuanLife Personal Accident Insurance.

Nakita niyang makakatulong ito sa mga kakilala niyang napapanganib na ma-aksidente, pero walang insurance.

“Di kasi natin alam kung ano’ng mangyayari sa atin. Gaya nung isa kong kasamahan, naaksidente, eh wala namang insurance. Sayang kasi kung may JuanLife sana may makukuha siyang medical reimbursement.”

3. Maghanap ng mga mapagkakatiwalaang tao para sumama sa iyong future na negosyo.

Bilang isang Distributor, kailangan mo ng mga Dealer na pwedeng magbenta ng iyong produkto. Siguraduhin mo ring mapagkakatiwalaan mo sila, kaya mas maiging pumili ng mga Dealer na kakilala mo na noon pa.

Sa karanasan ni Red, nakahanap siya agad ng mga Dealer sa kanyang negosyo. Active kasi siya in his alumni association, at una niyang inofferan ang kanyang mga closest friends dito. Mula doon, nakapagrefer sila ng iba pang nangangailangan ng dagdag na pagkakakitaan, katulad ng iba nilang kasama sa batch.

Nalaman niyang madali lang pala i-refer ang JuanLife, dahil nagagandahan ang kanyang mga kasamahan sa mga benefits nito.

“Madali siyang ibenta. Yung sa Distributors Package, may 17 na JuanLife 500 cards and 10 na JuanLife 300 cards.  Nabenta ko po yung 27 cards in less than 1 week. Naghahanda na nga  akong mag-order ulit.”

Balak mo bang mag-negosyo bilang Distributor, at may mga kakilala kang pwedeng maging Dealer?  Start growing with JuanLife today, at simulang magbenta ng quality Personal Accident Insurance sa iyong komunidad o organisasyon.

Sa P10,000 lang na puhunan, may negosyo ka na with JuanLife. Visit our Distributor page to know more!

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0939 938 2452

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh