Sa mapanganib na trabaho, marami kang dapat inaalala. Nandiyan ang mabagsakan, masugatan, at makuryente, pati na rin ang masagasaan. Ngunit pwede pa itong mapalala kung exposed ka sa masamang panahon. Bilang Pilipino, sanay tayong maulanan, lalo na’t higit 20 bagyo ang dumadaan sa bansa kada-taon. Kaya hindi sapat ang magwalang-bahala na lang. Bilang trabahador sa mapanganib na industriya, importante ring magdoble-ingat sa unpredictable na panahon, lalo na kung hindi ka protektado ng bubong at pader.
Hindi lang rin dahil wala kang pisikal na proteksiyon. Importante ring magdoble-ingat dahil karamihan sa mga empleyado ng mapanganib na industriya kagaya mo ay hindi kinocover ng insurance. At kung macocover ka naman ay kailangan mong magbayad ng napakamahal na premium.
Kung ganoon, ano ang mga dapat mong gawin para mag-ingat, kung nagtatrabaho ka sa labas ng opisina? Get to know the most dangerous jobs during the rainy season, and the different situations you must watch out for.
- Construction at Road Maintenance Worker
Maraming panganib ang pwedeng maranasan sa construction site at road projects tuwing tag-ulan. Nandyan na ang posibilidad na mabagsakan ka ng equipment at matamaan ka ng nagliliparan ka ng gamit dahil sa malakas na hangin, o madulas habang may binubuhat kang mabigat na materyales. Para maiwasan ito, siguraduhing alisto ka at maayos ang pagkakasuot ng iyong hard hat at uniporme. Parating tingnan rin ng mabuti ang dinadaanan mo.
- Traffic Enforcer
Kaunting ambon at kulog pa lang ay alam na natin ang magiging sitwasyon sa kalsada. Bibigat ang daloy ng trapiko, at mas may posibilidad na magkaroon ng aksidente sa mga sasakyan. Bilang traffic enforcer, responsibilidad mong mapigilan ito at your own risk. Bawasan ang tsansa mong ma-aksidente at doblehin ang alerto mo sa mga dumadaang sasakyan. Alamin mo rin kung saan ang mga madudulas na kalsada, at iba pang mga lugar na madalas bahain. Make sure na suot mo rin ang iyong uniporme: ang iyong bota at reflectorized vest para iwas-dulas, at kita ka pa rin sa kalsada ng mga motorista kahit madilim ang panahon.
- Window Cleaner
Sa dedikasyon mo sa paglinis ay hindi mo pa rin dapat makalimutan ang panganib ng pagiging window cleaner. Kung ikaw ay naglilinis ng mga matataas na gusali, siguradong exposed ka sa iba’t ibang elemento: ang malakas na hangin, biglaang ulan, at ang risk ng matamaan ng kidlat. Iwasan ang aksidente, tulad ng pagkabagsak, by staying alert sa lugar na nililinisan mo at siguraduhing naka-secure ang pagkakabit ng iyong harness.
- Lineman
Natural na high-risk ang trabaho ng lineman, bilang tagapag-ayos ng supply ng kuryente. Nadadagdagan pa nga ang panganib nito tuwing tag-ulan kung may paparating na bagyo. Dahil dito, pwede talagang madisgrasya sa ganitong industriya. Bukod sa electrocution o pagka-kuryente, posible ka ring mabagsakan ng puno dahil sa malakas na hangin, o bumagsak mismo sa lupa dahil mataas na lugar ang iyong pinagtatrabahuhan. Mag-ingat by wearing your proper uniform, securing your harness, and keeping all your tools sa tamang lugar.
Empleyado ka ba sa construction, gobyerno, o ng electric company? Exposed ka ba parati sa mga elemento tuwing ikaw ay nagtatrabaho?
Mabuti na ang sigurado. Sa tulong ng JuanLife Personal Accident Insurance, may tutulong sa iyo sa panahon ng panganib, dahil sakop ng aming policy ang mga aksidenteng dulot ng acts of nature, o ang mga natural na kalamidad tulad ng bagyo at baha.
Bukod pa diyan, JuanLife also covers employees working in dangerous occupations, o ang mga empleyadong nasa mapanganib na trabaho tulad ng mga nabanggit. Included na rito ang limited benefits para sa mga aksidenteng nangyari habang ginagawa mo ang iyong trabaho. This is what makes us different from other insurance companies, dahil prayoridad namin ang seguridad ng mas nakararaming Pilipino. Interested? Magpa-JuanLife na ngayon sa halagang P300 o P500 lang! Visit juanlife.com.ph!