Kwentong Kakampi: Paano Mag-Connect Sa Iyong Customers

As a business owner, ang pinakamahalagang aspeto ng pagnenegosyo ay ang iyong mga customer, ang mga taong tumatangkilik sa iyong produkto. Kung wala sila, walang negosyo, kaya importanteng kilalanin silang mabuti at ang kanilang mga pangangailangan.

Dito sa JuanLife Personal Accident Insurance, tinutulungan namin ang aming mga distributors para mas mapalapit sila sa kanilang mga customer. Katulad na lamang ni Mia Nebres, isang dating Overseas Filipino Worker. Noong nagtrabaho siya abroad, dito na-realize ni Mia ang malaking kawalan ng financial literacy ng ating mga kababayan dito sa Pilipinas. Imbis na mag-ipon o maghanda para sa hinaharap, napansin niyang marami ang napapagastos lang sa bisyo o sa panandaliang kasiyahan.

Sa pag-uwi niya sa Pilipinas, nakakita siya ng opportunity para baguhin ang behavior na ito: naging JuanLife Distributor siya, at nang lubos na kilalanin ang kanyang mga customer in her community ay tuluyan niyang napalago ang kanyang negosyo. Get to know her tips on how to connect with your customers and expand your business.

  1. Alamin ang iyong target audience at kilalanin sila.

Nang maging JuanLife Distributor si Mia, kinikilala at kinakausap niya ang mga potential customers sa kanyang komunidad, lalo na yung mga hindi nakakausap ng ibang insurance provider.

 “Ang bumibili sa akin, yung mga simpleng tao. Yung mga tindera sa palengke, pedicab driver. Kasi di naman sila nalalapitan ng ibang insurance dati.”

  1. Ipaliwanag ang iyong produkto sa iyong customers, at kung paano nito masasagot ang kanilang pangangailangan.

 Kung may produkto o serbisyo ka na, at alam mo na kung sino ang bibili nito, ang next step ay ipaliwanag mo sa mga mamimili kung paano nito masasagot ang kanilang mga pangangailangan. Dahil bagong produkto ang JuanLife, ipinapaalam ni Mia ang iba’t ibang benepisyo nito, na makakatulong sa mga ordinaryong tao kagaya ng customers niya.

 “Dini-discuss namin yung iba-ibang klase ng accidents na pwedeng mangyari every day na di nabibigyan ng attention like nahulog sila , o yung mga batang malilikot, o natulak ng kaklase sa eskwelahan, napatid, o naglalakad sa kalsada at nasagi ng sasakyan.

 Kailangan lang maipaliwanag na pwedeng paghandaan ang ganitong mga aksidente at sa halagang P300 lang. Para lang silang bumili ng litsong manok at protektado na sila.”

  1. I-market ang iyong business sa social media.

 Ngayong marami nang konektado sa kanilang mga smartphone, mahalagang i-market mo ang iyong business sa social media. As our Distributor, nagagawa ito ni Mia. Mas dumami pa nga ang kanyang mga nakakausap at bumibili sa kanya!

“Sa tulong ng JuanLife, dumalas ang pag-market namin sa Facebook. At dahil diyan, tumaas ang awareness ng ibang tao tungkol sa aming business. May mga nagtatanong na sa akin ng mga customers at mga gustong maging Dealer.”

  1. Tingnan kung meron ding interesado sa mga kakilala ng customers mo.

 Malaki rin ang potential ng mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan ng customers mo, lalo na kung mairerekomenda nila ang iyong produkto. Para kay Mia, madali lang ito gawin dahil naikukwento ng kanyang customers ang benefits ng JuanLife sa kanilang mga kakilala.

 “Hindi ka mauubusan ng customer. Sa bawat isang taong kausap mo, may kapamilya yan. May asawa, anak, kapatid, kamag-anak.  Di ka mauubusan ng benta.”

 Gusto mo bang magkaroon ng profitable business sa iyong komunidad? Be a JuanLife Distributor, at bibigyan ka namin ng marketing materials and training para mas makakuha ka ng mas maraming customers. Mag-negosyo with us starting at P10,000 lang na puhunan. Visit our Distributor page now!

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0939 938 2452

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh