Useful Tips Para Mag-Adjust Sa New Normal


Kung may salitang parati nating naririnig ngayon, ito ang “New Normal”, ang sitwasyon natin sa gitna ng COVID-19 pandemic. Maraming patuloy na naghahanda para sa bagong realidad na ito: ang mga negosyo ay nagtitipid, ang mga mall at restaurant ay nililimitahan ang mga pumupuntang tao, at ang mga dapat sana’y gaganapin na events (tulad ng mga business meeting, concert, at misa) ay nililipat online.

Sa ngayon, mukhang hindi na muna tayo babalik sa dati, hangga’t wala pang bakuna sa virus na ito.

Pero handa ka na bang lumabas ulit, ngayong dumarami na ang mga sasakyan at commuter na nagbabalik-trabaho? Alamin kung ready ka nang sumabak sa New Normal with our useful tips below! 

  1. Iplano kung kailan ka lalabas ng bahay, at kung paano magcocommute.

Sa mga lugar sa ilalim ng GCQ, at mas maluwag na tipo ng quarantine, unti-unti nang binabalik ang pampublikong transportasyon.  Dahil dito, asahan mo nang magiging mas mahirap sumakay, at hindi normal ang oras ng pag-commute.

Gumising ng maaga, lalo na’t siguradong siksikan sa bus, tren, at jeep. Kung kaya ng budget, mag-book na lang ng transport app tulad ng Grab.

  1. Dalhin ang mga essentials: ang mga magpoprotekta sa’yo habang nasa labas.

 Unang-una, huwag kalimutan isuot ang iyong face mask o shield bago lumabas. Mag-ready rin ng alcohol o hand sanitizer dahil di ka sigurado kung may alcohol dispenser sa iyong pupuntahan.

Kung kakayanin, piliin ring magbayad gamit ang online o contactless payment. May mga app na pwede mong i-download sa iyong smartphone para dito. Kung kailangan talaga mag-cash, tandaang mag hand sanitizer agad pagkatapos magbayad.

  1. Huwag kalimutan ang iyong mental health.

Panahon ngayon ng krisis. Normal lang na kabahan ka o maguluhan ng isip. May mga paraan naman para kumalma ulit: pwede kang mag-breathing exercises, magdasal, o mag-practice ng mindfulness (ang pagbigay-atensyon sa iyong nararamdaman at sa iyong paligid).

Para naman hindi sobrang ma-stress, magpahinga rin ng kahit sandali sa mga balita sa radyo, TV, o social media.

  1. Magplano para sa mga posibleng mangyari sa iyong future.

Sa pandemic na ito, walang kasiguraduhan sa mangyayari sa atin bukas.

Ganun pa man, pwede pa rin tayong maging mas kampante, kung meron tayong plano para sa sarili at sa mga mahal natin sa buhay.

Isa sa mga dapat paghandaan ang iyong finances. Magtabi parati ng kaunting pera para sa mga emergency. Sa iyong career, mag-aral naman ng ibang skill o kakayahan sakaling kailangan mong maghanap ng bagong trabaho. Ang pinakamahalaga, marunong kang tumayo sa iyong sarili, at pati na rin sa mga mahal mo.

Maging mas kampante sa iyong New Normal. With JuanLife Personal Accident Insurance, siguradong alaga ka at ang mga mahal mo sa buhay anuman ang mangyari, dahil sa aming mga benepisyong sakop ang Aksidenteng Pagpanaw (Accidental Death), Permanenteng Kapansanan (Permanent Disablement), at Bayaring Medikal (Medical Reimbursement). Kung nawalan ka naman ng trabaho recently dahil sa pandemic, pwede ka ring magtrabaho sa amin as a Kakampi! Interested? Talk to JuanLife now.

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0939 938 2452

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh