Extra Income Ideas Para Kampante Ka During Quarantine

Walang nag-akalang ganito kalaki ang magiging epekto ng COVID-19 sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pagsara ng mga opisina, factory, mall, eskwelahan, at transportasyon, at pagbaba ng ekonomiya, marami ang nag-aalala kung saan sila kukuha ng pagkakakitaan.

Pero huwag mawalan ng pag-asa. Maraming paraan para kumita ngayong quarantine, na hindi pa nga kailangang lumabas ng bahay! Tingnan ang aming tips kung paano magkaka-extra income!

1. Magsimula ng maliit na negosyo.

https://www.youtube.com/watch?v=4TPFc9eJY6M

Kailan lang ay nakilala natin ang ating pagiging maabilidad ng ating mga kababayan, pagkatapos mabigyan ng ayuda. Mula sa natanggap sa Social Amelioration Program (SAP), isinantabi nila ang bahagi ng pondo, at nagtayo ng maliit na negosyo. May nagbebenta ng almusal at meryenda sa mga kapitbahay. Ang isa naman, nagtatahi ngayon ng face mask pandagdag sa cash aid na nakukuha.

Pero para makatayo ng negosyong magtatagal, alamin muna kung anong mayroon ka ngayon. Ano ba ang mga hilig, kakayahan (skills), o gamit na meron ka na? Iyan ang basehan ng uumpisahan mong pagkakakitaan.

2. Magbenta ng mga gamit.

May kasabihan ngang “one man’s trash, is another man’s treasure.” Ngayong mas maraming oras kang nasa bahay, gawin itong opportunidad para tingnan kung ano ang mga gamit na pwedeng ibenta.

Maraming website na pwedeng pagbentahan. Kasama na rito ang profile mo sa Facebook or Instagram, o kaya naman sa Carousell.ph.

3. Alamin ang mga tulong-pinansyal na pwede mong makuha sa gobyerno.

Bukod sa ayuda galing SAP, marami ring tulong na matatanggap mula sa ibang branch ng gobyerno. Kasama na rito ang Department of Labor and Employment, na may mga programa tulad ng COVID Adjustment Measures Program (CAMP). Nagbibigay ito ng one-time payment ng P5,000 sa mga empleyado ng kumpanyang apektado ng quarantine. Isa rin ang Tulong Pangkabuhayan sa Displaced/Underprivileged Workers (TUPAD), na nagbibigay emergency employment para sa mga nawalan ng trabaho.

Ilan lang iyan sa mga proyekto ng gobyerno na pwedeng hingan ng tulong. Maigi ring pumunta sa barangay o city hall para magtanong kung anong handog ng lokal na gobyerno sa mga residente sa inyong lugar.

4. Maghanap ng sideline jobs online.

Sa online jobs naman, marami pa ring trabahong naghihintay, lalo na sa mga sikat na job websites tulad ng JobStreet, LinkedIn, at Indeed. Kung gusto mo naman maging freelancer, imbis na maghanap ng full-time job, maraming raket na mahahanap sa Upwork at Freelancer.ph.

Maging dito sa JuanLife, nag-ooffer din kami ng opportunities para makadagdag-kita! Kung ikaw ay edad 18 pataas at may pang-puhunan na P1,000, pwede ka nang maging JuanLife Insurance dealer, na tinatawag naming Kakampi. Ang aming main requirement lamang ay dapat naniniwala ka na deserving ang bawat Pilipino ng secure na buhay, at gagawin mo ang lahat ng makakaya para i-share ang benefits ng JuanLife.

Gusto mo na bang simulang dagdagan ang kita with JuanLife? Be our Kakampi and visit  JuanLife.com.ph today!

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0939 938 2452

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh