Habang ang National Capital Region, Cebu at Laguna ay sumailalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ), ang ibang lugar naman sa Pilipinas ay nag-transition na to general community quarantine (GCQ). Dahil dito, maraming tao na ang lumalabas muli ng bahay at bumalik sa trabaho.
Ngayong lumuwag na kahit papaano ang mga patakaran, iniisip mo na bang gumimik kasama ang buong barkada, o kaya naman bisitahin sina lolo’t lola? Oops, hinay-hinay lang! Matapos man ang #StayHome guidelines ng gobyerno, at magbukas muli ang mga malls, restaurants, at mga pampublikong sasakyan, hindi pa rin tuluyang mawawala ang banta ng COVID-19.
Kailangan pa rin nating mag-ingat, lalo na’t wala pang vaccine at mass testing sa lahat ng lugar. Pero ano nga ba ang dapat gawin ngayong ni-lift na ang ECQ?
- Mag-obserba pa rin ng social distancing at ang pagsusuot ng face mask.
Bukod sa mga regular na guidelines ng Department of Health tulad ng paghuhugas ng kamay, kailangan pa rin nating mag-observe ng social distancing. Tandaan, kapag lalabas ng bahay, dumistansya ng at least one meter mula sa ibang tao. Para naman sa mga nagbabalik trabaho, ugaliing magsuot pa rin ng mga protective equipment tulad ng face mask at hand gloves.
- Limitahan ang pakikipagkita sa iba.
Marami sa atin ang gusto nang makipagkita sa mga kaibigan o mahal sa buhay. Bago gawin ito, siguraduhing may maganda ka munang dahilan para makipagkita. Hindi rin pwedeng marami kayong magtitipon sa isang lugar dahil maaaring tumaas ang chances of transmission. Tandaan, ang mga “asymptomatic” cases o mga taong hindi nagpapakita ng kahit anung sintomas ay maaari pa ring maging carrier ng virus.
- Iwasan ang matagal na pagbisita sa malls at restaurants.
Sa pagtatapos ng ECQ at pagpasok ng GCQ, luluwag nang kaunti ang mga patakaran sa mga lugar na mas mababa ang banta ng COVID-19. Dahil dito, bukas na muli ang ilang mga commercial establishments tulad ng malls at restaurants.
Sa kanilang partial na operasyon, ano nga ba ang mga pwede at di pwedeng gawin? Una, limitahan pa rin ang oras ng pagpasyal, lalo na’t may panganib pa ring kumalat ang sakit sa mga saradong lugar.
Para hindi mawili ang mga tao sa paggala, may mga malls na limitado muna ang kanilang libreng Wi-Fi service, at hininaan din ang air conditioning. Kung bibili naman sa restaurant, piliin pa ring mag-take out o magpa-deliver na lamang.
- Extra protection ang kailangan sa “new normal”
Naipakita ng COVID-19 pandemic ang kahalagahan ng buhay at ang pag-aalaga rito. Hindi na dapat tayong bumalik sa dating gawi. Sa halip, matuto tayong mamuhay sa new normal: ang dagdag na pag-ingat mula sa sakit, at pati na rin sa ibang mga sakuna.
Sa muli mong paglabas ng bahay, tandaan na mayroon ka lamang Juan and only life, kaya mahalagang may parating sasagip sa’yo. Thankfully, JuanLife is here to help you, dahil meron kaming affordable accident insurance na makakatulong kung ikaw man ay madisgrasya. For as low as P300, may insurance coverage ka na worth P150,000 for one year! For more details, visit juanlife.com.ph!