Common Workplace Accidents In The Philippines

Kilala tayong mga Pilipino bilang may dedikasyon sa trabaho, gagawin ang lahat ng ating makakaya upang makatulong sa pamilya. Ngunit mapa-office, factory, o construction site man, may mga aksidenteng posibleng mangyari na maaaring maging hadlang sa ating pagha-hanapbuhay. Kasama na rito ang occupational injuries and accidents, o ang mga aksidente sa trabaho.

Anu-ano nga ba ang dahilan ng mga most common workplace accidents in the Philippines? Narito ang ilan sa kanila mula sa latest report ng Philippine Statistics Authority (PSA).

1. Pagkaapak o pagkatama sa mga bagay (Stepping on, striking against, or struck by objects excluding falling objects)

Ang pagtapak o pagkatama sa mga bagay ang number one cause of workplace injuries sa Pilipinas. Madalas itong mangyari sa mga nagtatrabaho sa agriculture, forestry, fishery, water supply, sewerage, at waste management. Kaya naman doble-ingat dapat sa mga ginagamit na equipment, pati na rin sa lugar na ginagalawan.

2. Pagkaipit sa mga bagay (Caught in or between objects)

Aray ko po! Pangalawa sa pinakamadalas na workplace injury ang pagkaipit ng paa, kamay, at iba pang bahagi ng katawan sa mga bagay. Maraming reports ng injury na ito ay mula sa manufacturing at repair sectors.

3. Pagkalaglag ng trabahador (Accidental fall)

Ayon sa report, ang pagkalaglag mismo ng trabahador ang pangatlo sa pinaka-common cause of workplace injuries. Kadalasan itong nangyayari sa engineering at construction industries. Kailangang maging alerto lagi sa ginagalawan at siguraduhing matatag ang kinatatayuan.

4. Nabagsakan ng mabibigat na bagay (Struck by falling objects)

“Caution, watch for falling objects,” ika nga. Pang-apat ang pagtama ng mga bumabagsak na bagay sa dahilan ng aksidente sa trabaho. Kung nasa construction ka, ‘wag kalimutang magsuot parati ng personal protective gear gaya ng hard hat at protective googles. Siguraduhin din to “watch overhead at all times.”

5. Exposure sa labis na init o lamig (Contact with extreme temperatures)

Nagtatrabaho ka ba sa ilalim ng initan o sa sobrang lamig na lugar? Ingatan ang sarili, dahil pang-lima ang exposure sa extreme temperature sa dahilan ng workplace injuries. Make sure na may maiinom na tubig para hindi ma-dehydrate, o magsuot ng protective gear gaya ng gloves para hindi mapaso o manigas sa lamig.

Sa ating trabaho, tandaan na laging mag-ingat upang maprotektahan ang ating Juan and only life. Hindi lang ito para sa atin, kundi para na rin sa kapakanan ng ating pamilya.

Kung ikaw ay may delikadong trabaho, kailangan mo ng proteksyon sa aksidente. Ang JuanLife Personal Accident Insurance ay nagsisilbi sa lahat ng Pilipino, lalo na sa mga mga manggagawang may mapanganib na trabaho o people with hazardous occupations tulad ng mga sundalo, pulis, security guards, o construction workers. Sa abot-kayang halaga ng JuanLife, lahat ay kayang proteksyunan ang sarili mula sa aksidente sa loob o labas man ng trabaho.

Alamin ang aming coverage at benefits na angkop sa bawat manggagawang Pilipino. Visit www.juanlife.com.ph to know more.

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0939 938 2452

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh