Hindi biro ang pagiging empleyado ng business outsourcing company (BPO), lalo na kung night shift ka. Habang patulog na ang karamihan, naghahahanda ka pa lang pumasok. Dahil sa gabi ka bumabyahe, extra ingat ka lalo na sa mga madidilim na daan. Dagdag pa sa stress ang mga demanding na customers at ang madalas na pabagu-bagong schedule na nakaka-apekto sa kalusugan.
Dahil dito, mahalagang mapangalagaan ang health at safety mo, di lang para sa sarili kundi na rin sa kapakanan ng mahal mo sa buhay. Pero, ano ba ang dapat gawin para kampante ka bilang isang night shift employee? Tingnan ang useful safety tips mula pa sa kapwa nating BPO workers.
“Wag mag cellphone habang naglalakad.”
– Patricia Flores
Simple pero madalas nakakalimutan. Unang-una ayon kay Patricia Flores, make sure na hindi ka distracted sa dinadaanan mo habang papunta sa opisina. Itago lang parati ang cellphone kapag naglalakad, lalo na sa gabi. Makakaiwas ka sa mga posibleng aksidente sa daanan, mas ligtas ka pa mula sa masasamang loob.
“Practice social distancing while at the office.”
– Don Angelo Rivera
Habang nasa night shift, patuloy ang pagsunod ni Don Angelo Rivera sa mga patakaran ng social distancing sa panahon ng COVID-19 pandemic, lalo na’t hindi posible para sa maraming BPO employees ang pag-work from home.
Gaya ni Don Angelo, gumagamit siya ng bike papuntang opisina para iwas-contact sa mga pedestrian. Nagsisilbi rin itong exercise na maganda para sa kalusugan. Dagdag pa niya, iwasan rin ang mga crowded elevators kapag nasa building na dahil kumakalat ang virus sa mga enclosed spaces. Paalala rin niya ang paggamit ng alcohol o hand sanitizer bago at pagkatapos pindutin ang elevator button o magbukas ng pintuan.
“Lots of Vitamin C lang para ‘yung resistensya natin sa katawan ay lumakas”
– Wenggay Telen
Dahil stressful nga ang pagtrabaho sa night shift, mahalaga para sa mga BPO worker ang pag-maintain ng alertness at resistensya. Para kay Wenggay Telen, umiinom muna siya ng Vitamin C at pineapple juice bago magtrabaho
Payo niya, bawasan rin ang pagkape. Ang sobrang pag-inom nito ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang side effect gaya ng insomnia, palpitation, at fatigue.
Bukod pa rito, ang kawalan ng alertness at ang sobrang pagkapagod ay pwede pang maging sanhi ng aksidente. Dahil rito, alagaan nang mabuti ang kalusugan para laging alerto, listo, at ligtas anumang oras.
BPO employee ka rin ba tulad nila? Sa iyong araw-araw na pag-iingat papunta sa trabaho, narito ang JuanLife para proteksyunan ka. Dahil meron kaming Personal Accident benefits, covered ang everyday commute mo at meron pang medical reimbursement kung sakaling ikaw ay maaksidente sa loob o labas man ng opisina. Kaya naman, maging mas kampante with JuanLife! Visit us at www.juanlife.com.ph.