Kampante at Home: Basic Home Safety Tips From Moms For Moms

 

Sa panahon ngayong kailangan nating manatili sa ating tahanan dahil sa Enhanced Community Quarantine, alalahanin din natin ang kahalagahan ng home safety o ang pag-iingat sa sariling bahay. Narito ang ilang home safety tips mula sa ating mga fellow mommies na pwedeng-pwedeng gawin ng buong pamilya upang maiwasan ang aksidente sa bahay.

“Ayusin ang paggamit ng kuryente. ‘Wag mag-overload ng saksakan ng masyadong maraming plug.” 

– Loida, Mother of 2 & Grandmother of 1

Payo ni mommy Loida na alalahanin ang paggamit ng mga electrical appliances, lalo na ang pagsaksak ng mga plug nito. Kapag masyadong maraming naka-plug, maaaring mag-overload ang iyong electrical outlet, at pwede ka pang makuryente.

Sa pagluluto, dapat naka-focus ka sa ginagawa mo. Walang halong FB, IG, o K-drama!”

– Charlimagne, Mother of 2

Isang paalala lamang, lalo na sa mga younger moms na mahilig mag-social media at manood ng Korean dramas. Ayon kay mommy Charlimagne, naka-focus lang dapat sa pagluluto at walang halong paggamit ng cellphone para maiwasan ang mga panganib na maaaring magdulot ng aksidente.

“Huwag lagyan ng mabibigat na bagay ang mataas na lugar para maiwasan ang malaglagan.”

– Cecille, Mother of 3 & Grandmother of 2

Para maiwasang mabagsakan, payo naman ni mommy Cecille na huwag magpatong ng mabibigat na bagay sa matataas na lugar. Ito’y lalo na kapag may makukulit na bata sa bahay. Kaya naman, mas maigi kung ilalagay ang mabibigat na appliance (tulad ng TV o radyo) sa mas mababang mesa. 

Siguraduhing maayos na nakatayo ang ibang malalaking kasangkapan, gaya ng mga estante. Hindi rin dapat madaling maabot ng mga bata ang mga babasagin tulad ng vase o pinggan, pati na rin ang matatalim na gamit gaya ng kutsilyo o gunting.

“Maglagay ng non-slip mat sa banyo, at siguraduhing tuyo at malinis ang lahat ng sahig at patungan.”

– Joy Anne, Mother of 2

Para iwas-dulas sa bahay, sinisigurado ni mommy Joy Anne na parating tuyo ang lahat ng sahig at patungan, lalo na sa banyo. Kaya naman, naglalagay siya ng non-slip mat o basahan sa labas ng pinto. Agad din dapat na mag-mop o magpunas kapag may nabasa o natapon.Ilan lamang ito sa basic safety tips para happy at secured ang buong pamilya ngayong may quarantine. Gusto mo bang dagdagan ang proteksyon at maging kampante nasaan ka man? Sa abot-kayang Personal Accident Insurance ng JuanLife, magiging mas kampante ang buong pamilya, sa loob man o labas ng bahay. Para sa karagdagang impormasyon, visit us now at juanlife.com.ph!

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0939 938 2452

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh