5 Ways Para Makatulong Sa Ating COVID-19 Frontliners

Habang tayo’y ligtas sa ating bahay, nakikita natin ngayon ang sakripisyo ng ating mga frontliners na tuluy-tuloy ang paglilingkod para maihatid ang ating pangangailangan. Sila ang mga doctor, nurse, health workers, grocery store workers, janitors, bank tellers, delivery drivers, basurero, volunteers, at marami pang iba. Sila ang mga taong dating hindi masyadong napapansin, ngunit ngayon ay nabigyan ng mukha bilang mga bagong bayani sa krisis na ito.

Paano ba natin sila matutulungan at masusuklian ang mga sakripisyo nila? Bukod sa simpleng “thank you”, here are some ways you can help and support our COVID-19 frontliners.

 

  1. Maging responsable sa public hygiene. #StayHome o dumiretso sa ospital kapag may sakit na nararamdaman.

Pagaanin natin ang trabaho ng ating mga frontliners with a simple way: stay at home at ingatan ang ating mga sarili. Dahil likas na nakakahawa ang COVID-19, ito ang pinaka-epektibong paraan upang makatulong sa kanila. Kung kailangan talagang lumabas, mag disinfect pag-alis at pagbalik ng bahay.

Sakaling mayroon kang nararamdaman, dumiretso sa ospital o kaya’y tumawag sa kanilang hotline. Siguraduhing maging transparent sa impormasyong ibibigay sa ating mga healthcare workers, gaya ng travel history at mga taong nakasalamuha, upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

 

  1. Mag-donate sa mga charity at organizations.

Maraming organizations at companies ang nagsasagawa ng donation drive for the benefit of our frontliners. Kasama na rito ang Philippine Red Cross at Kaya Natin Movement.

Sa ngayon, nangangailangan sila ng tulong-pinansiyal para sa mga testing kits, surgical masks, personal protective equipment (PPE), at medical supplies. Marami ring nagbibigay ng pagkain para sa kanila. Makakatulong ang inyong donation, hindi lang sa kanila, kundi sa laban ng buong Pilipinas against COVID-19.

 

  1. Iwasan ang discrimination.

Sa krisis na ito, kailangan ng moral support ng ating mga frontliners. Intindihin natin sila at huwag husgahan.

Huwag natin silang katakutan o paalisin sa kanilang mga sinasakyan o tinitirahan. Ito’y dahil mayroon silang mga striktong patakaran and disinfection procedure na sinusunod, para na rin sa kanilang proteksyon at sa mga nakakasalamuha nila.

 

  1. Ipadama ang iyong appreciation at palakasin ang kanilang loob.

“A little support can go a long way,” ‘ika nga. Pwede ring ipadama ang iyong suporta through heartwarming messages, gaya ng isang doctor na nagpi-print ng letters mula sa mga bata at ibinibigay sa kanyang mga kasamahan. Dahil social distancing nga, mas maiging tumawag, mag-text, o mag-message ngayon sa social media.

 

  1. Dagdagan ang kanilang proteksyon mula sa posibleng work accidents.

May kapamilya o kaibigan ka rin bang frontliner? Siguraduhing nag-iingat din sila mula sa iba pang risks gaya ng aksidente sa biyahe o sa kanilang trabaho. With the extra protection of JuanLife Personal Accident Insurance, mas kampante kang secured ang mga mahal mo sa buhay anumang oras o okasyon. Pwede pa itong mabili ONLINE kaya safe na safe sa panahon ng social distancing!

Suklian natin ang kanilang mga sakripisyo at protektahan ang JuanLife nila. Just visit shop.juanlife.com.ph to know how. 

 

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0939 938 2452

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh