4 Prevention Tips Para Ligtas Ka From COVID-19

Sa pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa, malaki ang pinagbago ng araw-araw na buhay nating mga Pinoy. Nagsara ang mga paaralan, mga mall, pati na rin ang mga simbahan dulot ng enhanced community quarantine.

Paano ba maiiwasan at ng inyong pamilya ang sakit na ito? Alamin ang apat na paraan upang labanan ang COVID-19.

  1. Parating maghugas ng kamay.

Payo ng World Health Organization (WHO), parating hugasan ang kamay ng sabon o kaya naman ng alcohol-based hand sanitizer. Magbilang ng 30 seconds habang naghuhugas para tuluyang malinis ang kamay. Pwede ka ring kumanta ng “Happy Birthday” ng dalawang beses!

  1. Huwag hawakan ang mata, ilong, bibig, at ang kung anu-anong bagay sa labas ng bahay.

Sabi nga ng Department of Health, avoid touching “MEN”: your M-outh, E-yes, and 

N-ose. Pwede ka kasing makakuha ng virus mula sa mga nahahawakan ng kamay o mga surfaces. Mula doon, maaaring makapasok ang virus sa mata, ilong o bibig.

Ingatan rin ang paghawak sa iba’t ibang bagay. Kasama na rito ang mga pinto at light switch na pwedeng sikuhin upang mabuksan o mapindot.

Ugaliing linisin o i-disinfect din ang mga bagay na madalas nahahawakan sa bahay. Effective ang alcohol o multi-purpose cleanser.

  1. Practice “social distancing”, o lumayo sa ibang tao sa labas ng bahay.

Kung kailangan talagang lumabas ng bahay, iwasan ang mga lugar na crowded at maraming tao. Panatilihiin ang one meter distance between you and other people.

Kapag masyado kang malapit, posible kang matuluan ng maliliit na droplets dulot ng pag-ubo o pagbahing. Dahil dito, maaari kang mahawaan ng sakit.

  1. Kumustahin ang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Hindi lang sakit ang dala ng COVID-19. Dahil hindi pwedeng lumabas ng bahay, marami rin ang nalulungkot at nagkaka-anxiety. Sabi nga ng ilang mga experto, isa rin itong “panic and loneliness epidemic.”

Kumustahin ang mga kaibigan at mahal sa buhay at i-check ang kanilang kalagayan. Sa panahon ng social distancing, maaari n’yo pa rin silang makausap sa pamamagitan ng text, call o social media. Pagaanin ang kanilang loob with a simple joke o sharing of stories. Ito ay makakatulong sa pagpapanatili ng sound mental health ng bawat isa.

During this time of uncertainty and confusion, kailangan ng assurance ng bawat miyembro ng pamillya na may karamay sila saan man sila inabutan ng quarantine o lockdown. Maari mong iparamdam ang inyong pagmamahal kahit malayo ka sa kanila. Sa abot-kayang JuanLife Personal Accident Insurance, mabibigyan mo sila ng proteksyon at seguridad anumang sakuna ang mangyari sa kanila. Pwede pa itong mabili at ipadala ONLINE as a VIRTUAL GIFT! Bumisita lamang sa shop.juanlife.com.ph for more information.

Lagi nating tandaan na hindi hadlang ang quarantine o lockdown sa ating kagustuhang maging protektado at safe ang bawat isa.

© JUANLIFE Personal Accident Insurance 2019, All Rights Reserved

© JUANLIFE Personal Accident Insurance

2020, All Rights Reserved

(02) 8 584 7598
Globe: 0917 624 9181
Smart: 0939 938 2452

JuanLifePhilippinesOfficial

JuanLifePhilippines

JuanLife TV

JuanLifePh